Eksperto, hindi pabor sa pagbabawas ng Physical distancing sa mga Public transportation
Hindi pabor ang ilang experto sa pagbabawas ng Physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.
Sinabi ni Dr. Benito Co, Infectious Disease Specialist, ang isang layong metrong distansya ay nakabase sa siyensiya at makatutulong ng malaki upang mabawasan ang hawahan o transmission ng sakit.
Kahit na aniya naka-face mask, at naka-face shield kung malapit naman ang distansya sa isat isa, napakalaki ng tsansa na magkaroon ng hawahan.
Binigyang diin pa ni Co na dapat ay pinag-aralang mabuti ang ipinatupad na aksyon na pagbabawas sa physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.
Hindi aniya dapat na maging kampante dahil hindi pa bumababa ang kaso ng Covid -19 sa bansa.
Belle Surara