Medical Scholarship Act aprubado na ng Senado
Inaprubahan na ng senado ang panukalang medical scholarship act.
Dalawampu’t dalawa ang bomoto pabor sa panukala na layong magbigay ng tuition fee, living allowance, uniform at iba pang bayarin sa mga kabataang nais mag aral ng medisina.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, napapanahon ang pagpapatibay sa panukala dahil sa kakapusan ng mga Medical frontliners ngayong may Covid-19 Pandemic.
Pero nakapaloob sa panukala na ang mga kabataang mabibigyan ng tulong pinansyal dapat magsilbi muna sa mga ospital ng gobyerno sa loob ng limang taon pagkatapos nilang maka-graduate.
Naniniwala naman si Senador Sonny Angara, isa sa pangunahing may akda ng panukala, isinulong nila ito para mabigyan ng pagkakataon ang mahihirap na kabataan na may potensyal sa medisina pero walang kakayahang makapag-aral.
Meanne Corvera