Bahagi ng South bound lane ng Cavitex, sarado ng 3 buwan para bigyang-daan ang konstruksyon ng LRT Line 1 extension project

Sarado muna pansamanatala sa mga motorista hanggang December 15 ang South bound lane ng  Cavitex sa may Parañaque bridge.


Ito ay upang bigyang-daan ang konstruksyon ng ipinatatayong LRT line 1 extension project.


Batay sa inilabas na advisory ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), magsasagawa ng pipe relocation works ang Maynilad. 


Sa kasalukuyan ay nasa 40% completion na ang konstruksyon ng LRT-1 extension magmula ng sinimulan ito noong Setyembre nang nakaraang taon. 


Inaasahan namang magiging operational ang LRT line 1 exrtension sa 2022 at inaasahang makakapagsasakay ito ng 500,000 hanggang 800,000 mga mananakay araw-araw at mapapababa nito ang travel time ng mga commuter na nanggagaling sa Bacoor patungong Baclaran ng 25 minuto.

Jet Hilario

Please follow and like us: