Pasyal tayo sa Siquijor
Na-mimiss nyo na bang mamasyal? Ngayong naka quarantine tayo, sagot ko muna ang ating pamamasyal. Samahan nyo akong magtravel from home to Siquijor.
Four destinations in a day! Pwedeng pwede ‘yan sa Siquijor, ang islang matatagpuan sa Visayas.
Katulad ng ibang probinsya dito sa bansa, maraming tourist destinations na pwedeng puntahan.
So. kung ready na kayo, tara na at samahan n’yo akong mamasyal, unahin natin ang :
1. Cambugahay Falls – Matatagpuan ito sa bayan ng Lazi. Kung hanap mo ay adventure and relaxation in one, siguradong mag e-enjoy ka rito.
Bago makapunta sa falls, kailangan munang bumaba sa 100-steps na hagdan. Sulit naman ito dahil bubungad sayo ang malinaw na tubig ng three – tier falls.
Pwedeng i-try ang kanilang rope swing sa halagang 50 pesos lamang.
2. Salagdoong beach– Isa ito sa mga popular na beach sa Siquijor dahil sa napakilis nitong tubig. Bukod sa swimming, pwede ring i-try ang Cliff diving at kayaking.
3. Century Old Balete Tree – Tinatayang 400 taon na ang balete tree na matatagpuan sa Siquijor. Bukod sa magagandang picture na makukuha dito, maaari ka ring magpa- fish spa sa natural springs sa ilalim nito. Pwede ring bumili ng mga souvenirs at pagkain sa paligid nito.
4. Paliton Beach – Ito ang perfect spot kung gusto mong makita ang makulay na sunset sa lugar. Marami ding ‘swings’ na nakatali sa mga puno ng niyog kung saan pwede kang mag relax at chill. Sa mga gustong bumisita sa lugar, pwedeng mag rent ng tricycle para ilibot ka aa tourist destinations na ito. Kung marunong ka namang mag-motor ay may scooter rentals din sa lugar. Marami ding magagandang accomodations for as low as 1000 pesos para sa dalawang tao.