Petisyon na atasan ang Malacañang na isapubliko ang health records ni Pangulong Duterte, pinal nang ibinasura ng Korte Suprema

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon nito na ibasura ang petisyon ng isang abogado na atasan ang Malacañang na isapubliko ang medical at health records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa notice ng Supreme Court en banc, sinabi na ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ng petitioner na si Atty. Dino de Leon dahil sa bigo itong makapagprisinta ng sapat na argumento para suportahan ang petition for mandamus nito.

Ayon pa sa Korte Suprema, walang bagong argumento iprinisinta si De Leon sa mosyon nito at ito ay pareho lang ng nakasaad sa ibinasura nitong petisyon.

Dahil dito, sinabi ng SC na pinal na ang desisyon nito at wala nang tatanggapin na anumang mosyon sa nasabing kaso.

Iginiit ni De Leon sa kanyang petisyon na karapatan ng publiko na malaman ang totoong lagay ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Sa naunang desisyon ng SC noong Mayo, binanggit na bigo ang petitioner na maipakita na “ministerial duty” ng Palasyo na ilabas ang health records ng Pangulo at mayroon siyang legal right para ito ay gawin ng Malacañang.

Moira Encina

Please follow and like us: