Magnitude 6.1 na lindol , naramdaman sa Surigao del Sur ; maraming aftershocks naitala
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Surigao del sur .
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig kaninang ala 6:13 ng umaga sa bayan ng Bayabas .
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 77 kilometro.
Dahil sa lakas ng pagyanig , naitala ang instrumental intensity 1 sa Surigao City, Gingoog City.
Samantala, naitala naman ang magnitude 5.3 na aftershock dakong alas-6:21 ng umaga sa kaparehong bayan sa Surigao del Sur.
Habang magnitude 4.1 na lindol naman ang naitala bandang ala – 7:14 ng umaga.
Inihayag ng Phivolcs na patuloy na makakaranas ng aftershocks matapos ang naitalang malakas na lindol.
Please follow and like us: