Pangulong Duterte , lalahok sa United Nations General Assembly Virtual meeting
Sa kauna-unahang pagkakataon sasali si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly virtual meeting.
Sinabi ni Chief Presidential Protocol Robert Borje magsasalita si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng online alas-9 ngayong gabi oras sa Pilipinas sa harap ng 190 mga leader ng bansa na nataon namang ika-75 anibersaryo ng United Nations.
Ayon kay Borje mayroong labing apat na head of state na magsasalita at pang-labing dalawa ang Pangulo.
Inihayag ni Borje isusulong ni Pangulong Duterte sa kanyang speech ang interes ng Pilipinas sa laban sa pandemya ng covid-19.
kasama rin sa isusulong ng pangulo ay ang isyu sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea, Human Rights and justice issue sa bansa dahil sa anti drug war campaign ng pamahalaan, terrorismo, geo political developments at climate change.
Vic Somintac