Japan, ikinukonsidera nang luwagan ang restriksyon sa pagpasok sa kanilang bansa sa susunod na buwan
Ikinukonsidera na ng Japan na luwagan ang mahigpit na coronavirus border restrictions simula sa Oktubre, upang payagan na ang mas maraming foreign nationals na makapasok sa kanilang bansa. Ito’y bilang paghahanda na rin para sa naantalang Olympics sa susunod na taon, at sa muling pagbangon ng ekonomiya.
Ayon sa mga reports, ito’y bilang paghahanda na rin para sa naantalang Olympics sa susunod na taon, at sa muling pagbangon ng ekonomiya.
Una nang ipinagbawal ng Japan ang pagpasok ng mga dayuhan mula sa maraming bansa, subali’t nakikipag negosasyon para sa unti-unting pagbabalik ng cross-border business travel.
Pinapayagan na ngayon ang business visitors mula sa pitong lugar, kabilang na ang mula sa Thailand, Vietnam at Taiwan.
Ang limitadong travel resumption na ito ay hindi naman nagresulta sa dagdag na kaso ng covid-19, kaya ikinukonsidera na ngayon ng gobyerno na payagan ang mga eligible visa-holder mula sa lahat ng mga bansa.
Ayon pa rin sa mga report, lilimitahan sa 1,000 bawat araw ang arrivals at ang minimum na tagal ng pananatili sa Japan ay tatlong buwan.
Hindi naman kinumpirma ng isang immigration agency official ang lumabas na mga report, subalit sinabing nagpapatuloy pa ang negosasyon sa pagbabalik ng business travel sa ilang mga bansa.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng gobyerno ng Japan na si Katsunobu Kato, na pinag-aaralan ng government ministers kung paano muling tatanggap ng mga bisita na hindi na magkakaroon ng panibagong kaso ng virus.
At dahil ang naantalang Olympics ay nakatakdang buksan sa July, kaya nagpapatuloy din ang mga pag-uusap kung paano haharapin ang pagdating at ang magiging galaw ng mga atleta at mga manonood.
© Agence France-Presse