Kanlaon, nakapagtala ng 8 quakes,steam at sulfur dioxide emissions – PHIVOLCS
Nakapagtala ng walong volcanic earthquake ang bulkang kanlaon sa nakalipas na dalawamput apat na oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala rin nila ang sulfur dioxide emissions sa bulkan.
Inihayag ng phivolcs na may taas na 400 meters ang naitalang emission ng white steam laden plumes.
May average naman na 416 tons per day ang sulfur dioxide emission ng bulkan .
Dahil dito , namamalaging nakataas ang alert level 1 ng bulkan.
Muli namang nagbabala ang ahensya sa publiko na ipinagbabawal parin ang pagpasok sa 4- kilometer radius permanent danger zone ng kanlaon.
Pinapayuhan din ang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan.