FDA hindi pabor sa Human Challenge Trial para makahanap ng bakuna sa Covid-19
Bagamat hindi direkta, ay mistulang hindi sang ayon si FDA Director General Eric Domingo sa tinatawag na human challenge na isa sa mga gagawing pag aaral upang makahanap ng bakuna para sa covid 19.
Ang human challenge ay ang pag infect ng COVID-19 sa isang malusog na indibidwal.
Paliwanag ni Domingo, kwestyonable ang “ethics” ng pag aaral na ito dahil isang taong walang sakit ang ieexpose sa virus.
Una rito, isang human challenge trial ang plano gawin sa United Kingdom kung saan isang malusog na indibidwal ang ieexpose sa virus.
Layon umano nitong makita kung epektibo ang mga bakuna para sa covid 19 .
Madz Moratillo