Printed materials na ipamamahagi sa pagbubukas ng klase sa QC handa na
Pinaghahandaan na ng Quezon City government ang pagbubukas ng klase ngayong Oktubre.
Kaugnay nito, binisita ni Mayor Joy Belmonte ang Barangay Libis kung saan naroon ang ibang printed materials na ipamamahagi sa mga estudyante.
Bagaman online classes ang magaganap ngayong school year, minabuti na rin ng pamunuang lungsod na ayusin at dagdagan ang mga classrooms sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City.
Walong classrooms at dalawang laboratoryo ang binuksan sa Manuel Roxas High School sa pangunguna ni Principal Josephine D. Obligar.
Nagbukas din ang eskwelahan ng conference room, guidance counselor’s office, clinic, library, Principals office, at library/computer rooms.
Ang Quirino High School ay nagdagdag ng 16 classrooms sa pangunguna ni Principal Victoria B. Mangosong.
Ang Batino Elementary school naman ay nagdagdag ng 12 classrooms sa pangunguna ni Principal Jaida C. Malonzo.
Tinitiyak ng Quezon City Government na handa ang mga paaralan sa lungsod sakaling payagan na muli ang face-to-face classes.
Belle Surara