Mga bakanteng posisyon sa Deped, pinapupunan muna bago mag-hire ng mga bagong guro
Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Education na punan muna angmga bakanteng posisyon para tulungan ang mga guro sa mga pribadong eskwelahan na nawalan ng trabaho.
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget sa susunod na taon, nauna nang sinabi ni Education Undersecretary Jesus Mateo na may 34,000 bakanteng posisyon para sa mga guro na karamihan ay para sa Teachers I, II at III.
Inirekomenda ng Senador , dapat munang bigyang prayoridad ng Deped na mapunan ang mga bakanteng posisyong ito.
Kamakailan aniya ay iniulat ng Kagawaran na 4,000 mga guro ang apektado ng pagsasara ngayong taon ng mahigit 800 pribadong paaralan.
Humihingi ang DepEd ng 1.2 bilyong piso para pondohan ang 10,000 makukuhang guro sa susunod na taon.
Mungkahi ng Senador, dapat punan muna ang mga bakanteng posisyon bago tayo tumanggap ng mga bagong guro upang magamit ang pondo para sa ibang mahahalagang programa,
Isa sa mga programang nangangailangan ng pondo ay ang Special Education o SPED program para sa mga learners with disabilities.
Pero walang inilaang pondo para sa SPED para sa susunod na taon.
Meanne Corvera