Kawalan ng pondo para sa mga bangketa at mga elevated walkways kinuwestyon
Pinagpapaliwanag ni Senador Grace Poe ang Department of Budget and Management dahil sa hindi paglalaan ng pondo para sa mga konstruksyon ng mga pedestrian at walkways sa ilalim ng panukalang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Poe, mismong ang National Economic Development Authority (NEDA) Board ang nag-apruba ng 8.5 billion pesos EDSA Greenways project noong Enero at kasama ito sa kanilang listahan ng pangunahing proyekto pero nakapagtatakang walang pondo para dito.
Sa pag-aaral aniya ng Asian Development Bank, halos 35% ng mga destinasyon ay kayang lakarin sa loob lang ng 15 minuto.
Pero dahil wala maayos na bangketa para lakaran ng publiko, napipilitan tuloy ang mga Filipino na mag-commute o gumamit ng sarili nilang sasakyan dahilan kaya lumilikha rin ito ng matinding trapiko.
Iginiit ng Senador na mahalaga ang mga walkways para sa publiko sa paligid ng mga rail station sa EDSA.
Meanne Corvera