Carmona Municipal Police, pinarangalan bilang Top Performing Police Station on Anti-Illegal Drug Operations sa Cavite
Binigyang pagkilala at parangal ng Cavite Police Provincial Office ang Carmona PNP, matapos makuha nito ang Top Performing Class B Police Station on Anti-Illegal Drug Operations sa lalawigan.
Ang nasabing pagkilala ay natanggap ng PNP Carmona sa ginanap na Oversight Committee Meetings on Anti- ilIllegal Drugs, Illegal Gambling and Enhanced Managing Police Operations (E-MPO) na pinangunahan ng Cavite Police Provincial Office.
Ikinatuwa naman ng Carmona LGU ang pagkakatanggap ng parangal ng Carmona PNP dahil sa ipinakita nitong kahusayan at paglilingkod bayan sa kabila ng Pandemya sa bansa bunsod ng Covid-19.
Nagpasalamat din ang alkalde ng Carmona sa PNP Carmona dahil sa pagsulong ng PNP ng mga programang nagtataguyod ng kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa kanilang bayan ngayong may Covid 19 Pandemic.
Jet Hilario