Kakulangan ng suplay ng baboy sa Pangasinan, isinisisi sa ASF
Kinukulang ang suplay ng karne ng baboy sa Pangasinan ayon sa Office Provincial Veterinary Office (OPVet ) sa lalawigan.
Ayon kay Dr. Jovito Tabarejos, OPVet Chief, hindi lamang sa Pangasinan kinukulang ang suplay ng baboy kundi sa buong Luzon. Aniya, ang suplay ng baboy ngayon sa Pangasinan ay nanggagaling na sa Mindanao, Mindoro, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Tumaas na rin ang presyo ng baboy na dating P180 ay nasa P280 na ang kada kilo.
Ang pagbaba ng suplay ng karne ng baboy ay dahil sa kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan.
Bagamat nakontrol na ang pagkalat ng ASF sa Central Pangasinan, ay patuloy pa ring kumakalat ASF sa Eastern at Western Pangasinan.
Dahil sa pagkalugi ng mga backyard hog raisers ay nagkakaloob na ng ayuda ang OPVet at Provincial Government ng tig- P1,000 sa kada ulo ng na-culling o pinatay na baboy na infected ng ASF.
Sa ngayon ay hindi pa ipinapayo ng Provincial Veterinary Office ang pag-aalaga ng baboy dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit na ASF.