Covid cases sa bansa wala pang 1 % ng populasyon – DOH

Wala pang isang porsyento ng populasyon ng bansa ang tinamaan ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Health, ang kabuuang bilang ng covid cases sa bansa ay umabot na sa 314,079 o. 29% ng populasyon ng Pilipinas.

Sa bilang ng confirmed cases na ito ay 80.9% o 254,223 na ang nakarekober mula sa sakit.

Ang active cases naman ay nasa 54,294 na lamang o katumbas ng 17.3% ng total confirmed cases.

Habang ang nasawi naman ay nasa 5,562 o 1.8% ng kabuuang bilang ng naitatalang covid 19 cases.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 3,524,282 indibidwal ang naisailalim sa swab test. Pero sa bilang na ito ay 10.3% lamang ang nagpositibo sa virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: