IATF: Full operational capacity ng mga negosyo sa Metro Manila, nasa pagpapasya ng mga Local Chief executives
Ipinauubaya na ng Inter-Agency Task Force o IATF sa mga Metro Manila Mayors ang pagpapasya kung papayagan nang makapag operate nang 100 percent ang ilang mga negosyo.
Sa harap ito ng naunang pagtutol ng Metro Manila Mayors sa mungkahi ng Department of Trade and Industry o DTI at mga negosyante na mag-full operation na ang mga negosyo sa Kalakhang Maynila lalo na ang mg shopping malls.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na hindi naman ibig sabihin na luluwagan ang mga ipinatutupad na minimum health protocol kapag tinaaasan na ang operating capacity ng ilang mga negosyo.
Ayon kay Lopez kailangan na ang full operation ng mga negosyo sa Metro Manila para makabangon ang ekonomiya na bumagsak dahil sa epekto ng pandemya ng Covid 19.
Inihayag ni Lopez ligtas nang buksan sa full capacity ang mga negosyo dahil batay sa datus mula sa Department of Health at mga eksperto mula sa University of the Philippines Octa group ay pababa na umano ang kaso ng transmission ng Covid -19 sa bansa.
Iginiit ni Lopez ang pagbubukas ng mga negosyo ang solusyon sa inilabas na survey kamakailan ng Social Weather Stations o SWS na nadagdagan ang bilang ng mga pamilyang pilipinong naghihirap at nagugutom dahil nawalan ng trabaho ang marami at nagsara ang mga negosyo dahil sa Covid-19 Pandemic.
Vic Somintac