Boto ng plenaryo na nagreject sa offer of resignation ni outgoing House Speaker Alan Peter Cayetano, lumabag daw sa utos na term sharing ni Pangulong Duterte
Isang malinaw na paglabag umano sa kautusan ng Pangulong Duterte hinggil sa term sharing agreement sa pagitan nina outgoing House Speaker Alan Peter Cayetano at incoming House Speaker Lord Allan Velasco ang naging boto ng plenaryo ng Kamara na nagbabasura sa offer of resignation ni Cayetano.
Ito ang iginiit ni dating Kabataan Partylist Representatve Teri Ridon.
Kasabay nito sinabi ni Ridon na dapat ay linawin din ni Cayetano kung nagresign ba talaga ito o may intensyon pa lamang na magbitiw bilang lider ng kamara.
Dagdag pa ni Ridon, ang pagbibitiw ng House Speaker ay isang unilateral act na hindi kailangan ng pagtanggap, boto, kumpirmasyon o rejection mula sa mga myembro ng Kongreso.
Sa oras na magbitiw aniya ang House Speaker ang susunod na hakbang ay ang effectivity nito at paghalal ng mauupong acting House Speaker.
Sa ilalim ng term-sharing agreement para sa house Speakership,
Si Cayetano ay mauupo bilang lider ng kamara sa loob ng 15 buwan habang 21 buwan naman si Velasco.
Madz Moratillo