Clinical trial para sa gamot na Avigan,posibleng masimulan na sa linggong ito – DOH
Matapos ang ilang buwang pagkaantala, posibleng masimulan na sa linggong ito ang clinical trial para sa anti-flu drug na Avigan.
Ang gamot na ito ay mula sa Japan at sinasabing nakakatulong sa pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, may ilang dokumento na lang ang kailangang pirmahan at kailangang ayusin para masimulan na ang trial.
Sinabi ni Vergeire na napirmahan na rin ang memorandum of agreement para sa UP Manila.
Inaayos na rin aniya ang database na mahalaga naman sa information sharing ng gagawing trial.
Sa oras na makumpleto na aniya ang mga ito ay masisimulan na ang Avigan trial.
Matatandaan na ilang beses nang hindi natuloy ang Avigan trial dahil sa ibat ibang kadahilanan gaya ng delay sa ethics review ng mga ospital na tinukoy para sa trial.
Madz Moratillo