Mga pasimuno ng ‘pastillas scheme’ sa BI, nais ipa-contempt ni Sen. Imee Marcos
Inaprubahan ng Senate Committee on family relations ang komite ang mosyon ni Senador Imee Marcos na maipa-contempt ang mga itinuturing na pasimuno ng pastillas scheme sa Bureau of immigration.
Hindi kasi sumipot sa pagdinig kanina sina Marc red marinas, dating deputy commissioner at dating hepe ng Port operations division bago ito magbitiw noong 2019 at anak nitong si Maynard marinas na dating head ng Special Operations Communications Unit.
Ang mag-amang marinas ang itinuro ng bagong testigo na si Dale Ignacio na aniya’y pasimuno ng pagkolekta ng lagay sa mga pumapasok na Chinese nationals sa bansa.
Kasama sa mga ipinapa contempt sina Rodolfo Magbuhos Danieve binsol na tinukoy ni ignacio na umanoy nakikipag-usap sa mga Chinese tourist at nagsusuplay ng mga Chinese nationals sa bansa.
Binalaan naman ni Senator Christopher Bong Go ang mga kasalukuyang opisyal ng immigration na itigil na ang kanilang raket.
Paalala ng senadora seryoso ang pangulo sa pagresolba sa katiwalian.
Hindi aniyang mangingimi ang pangulo na sibakin sa pwesto kasuhan at pakainin ng pera ang mga mahuhulng tiwaling opisyal.
Meanne Corvera