Guevarra: Pahayag ng Pangulo kay Health Sec. Francisco Duque III, hindi nangangahulugang inaabswelto na ito sa anomalya sa PhilHealth
Isang “expression of trust” at hindi “exoneration” o pag-abswelto ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol kay Health Secretary Francisco Duque III partikular sa isyu ng kurapsyon sa PhilHealth.
Ito ang reaksyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa sinabi ng Pangulo na wala siyang makitang mabuting dahilan para i-prosecute ang isang taong inosente na ang tinutukoy ay si Duque.
Naniniwala si Guevarra na hindi hahadlangan ng Pangulo na mayroong “prosecutorial blood” ang legal na proseso sakaling may ebidensya laban sa sinuman kahit ano pa ang posisyon nito.
Ayon pa sa kalihim, patuloy lang na gagawin ng DOJ ang ipinagutos ng Presidente na imbestigahan at papanagutin ang lahat ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng PhilHealth.
Una nang naghain ang NBI ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng PhilHealth kaugnay sa kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism.
I view the President’s statement as an expression of trust, not of exoneration. If evidence should turn up against anyone, regardless of position, I believe that the President, who has prosecutorial blood running in his veins, will not impede the legal process from taking its due course. The DOJ will simply continue what it has been directed by the President to do; that is, to bring any and all lawbreakers at philhealth before the bars of justice.
– Justice Sec. Menardo Guevarra
Moira Encina