Covid – 19 cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 326,00
Umakyat na sa 326,833 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Pero ayon sa Department of Health, sa bilang na ito ay 47,655 lamang ang active cases.
Sa araw na ito, nakapagtala ang DOH ng 2,093 bagong kaso ng virus infection.
Ayon sa DOH 85.6% ng mga kaso ay mild, 9.5% ay asymptomatic, 3.4% ang critical habang 1.6% ang severe.
Nanguna parin sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 557 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 253 new cases, Iloilo na may 166 new cases, Bulacan na may 124 new cases at Batangas na may 118 new cases.
May naitala namang 209 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 273,313 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 25 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 9 rito ay nasawi noong Oktubre, 15 noong Setyembre at 1 noong Agosto.
Sa kabuuan ay nasa 5,865 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo