DOH pinayuhan ang publiko na palaging maghugas ng kamay para makaiwas sa COVID-19
Makakaiwas sa Covid-19 ang publiko kung susundin palagi ang pinatutupad na minimum health standards na ipinapayo ng Department of Health.
Ito ang binigyang diin ng DOH kasunod ng ginawang pag aaral sa Japan kung saan lumilitaw na ang coronavirus ay nabubuhay ng mas matagal sa balat kaysa influenza A.
Sa nasabing pag aaral, nilagyan ng sample ng coronavirus at influenza A ang balat ng isang bangkay.
Ang resulta, mas nabuhay ng 4 na beses na mas matagal o 9 na oras ang coronavirus sa balat kumpara sa influenza A na 1.8 na oras lamang.
Pero binigyang diin ng DOH na batay din sa nasabing pag aaral ang parehong virus ay namatay din sa loob ng 15 seconds gamit anf hand sanitizer na may taglay na 80% alcohol.
Kaya naman ayon sa DOH palagi nilang ipinapayo ang regular na paghuhugas ng kamay amay na may sabon o magsanitize ng solutions na may at least 70% alcohol sa loob ng 20 segundo para mapatay ang virus.
Mahigpit rin ang paalala ng DOH patungkol sa social distancing o paglalagay ng 1 metrong pagitan o distansya mula sa iba.
Madz Moratillo