PHISGOC sinisingil pa sa utang na nagastos sa SEA GAMES
Umaabot pa sa 387 million pesos ang pagkakautang ng organizing committee ng 30th southeast Asian games na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC.
Ito ang inamin ni Philippine Sports Commission Executive Diretor Guillermo Iroy sa budget hearing sa senado .
Ang PHISGOC ay pribadong foundation na nangasiwa sa SEA GAMES na pag-aari ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay iroy , nagkautang ang PHISGOC sa suppliers dahil 6.8 Billion pesos lang ang pondong ibinigay dito para sa hosting ng SEA GAMES samantalang 7.5 Billion pesos ang kinailangan nito.
Malaki raw ang nagastos ng PHISGOC sa pagbili ng mga Sports Equipment at sa International Broadcast ng SEA GAMES.
Dismayado tuloy si Senator Christopher bong go na Chairman ng komite dahil sa kanya lumalapit at humihingi ng tulong ang mga driver ng mga van owners na ginamit sa transportasyon ng mga atleta at mga staff na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran.
Pero Umaasa ang PSC na makapagpapalabas na ng pondo ang DBM para mabayaran ang mga supplier ngayong taon .
Meanne Corvera