Bilang ng mga Health care worker na tinamaan ng covid 19, umabot na sa halos 10,000
Umabot na sa 9,970 ang bilang ng mga health care workers na tinamaan ng Covid-19.
Sa datos ng Department of Health hanggang noong Oktubre 6, umabot na sa 62 health workers ang nasawi dahil sa COVID-19.
Pero ang magandang balita naman ayon sa DOH ay mataas ang recovery rate sa mga tinamaan ng virus.
Sa halos 10 libong nagpositibo na ito ay 9,406 na ang nakarekober mula sa sakit.
Habang nasa 502 na lamang ang active cases o may taglay pang sakit hanggang ngayon.
Sa bilang na ito ay 301 ang mild cases, 169 ang asymptomatic, 21 ang severe at 11 naman ang kritikal.
Tiniyak naman ng DOH na ginagawa nila ang lahat para maibigay ang nararapat na suporta sa mga health care workers na silang frontliners ngayong pandemya.
Madz Moratillo