Senado inalok ang Kamara na magpatawag ng sesyon bago matapos ang Oktubre para ipasa ang budget
Sa halip na manisi, iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson ang isang workable solution para matiyak na lulusot ang panukalang 2021 budget sa bago matapos ang taon.
Ayon kay Lacson, tinawagan niya kanina si House speaker Alan Peter Cayetano at inirekomenda na magpatawag ng sesyon bago matapos ang Oktubre para pagtibayon sa third reading ang budget at agad na maitransmit sa Senado.
Sinabihan niya umano ang Kongresista na kailangan ng mga Vice- Committee Chair ng isang linggo para pag-aralan ang naipasang bersyon ng Kamara para makapagsumite naman sila ng report sa mother committee bago pa man ito talakayin sa plenaryo ng Senado.
Ipinaalala rin ng Senador kay Cayetano na ang budget ang pinaka- importanteng lehislasyon ng Kongreso dahil ito ang lifeblood ngayon ng ekonomiya na matinding apektado ngayon dahil sa Covid-19 Pandemic.
Statement Senator Ping Lacson:
“Not at all. I know him to well to get irritated by his statement. Foremost in my mind now is finding a workable solution to the impending impasse involving the most important piece of legislation that Congress has to pass – the national budget, which I have consistently regarded as the lifeblood of our economy if not our country. That is the reason why I reached out to the Speaker this morning and offered my suggestion that I shared with you”.
Meanne Corvera