Paglilinis ng DENR sa paligid ng Manila Bay, apektado ng Informal settlers
Aminado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hirap silang tuluyang linisin ang Manila Bay sa kabila ng ibat-ibang programa ng gobyerno para dito.
Sa budget hearing sa Senado, ikinatwiran ni DENR secretary Roy Cimatu na umaabot pa kasi sa 45,000 ang mga informal settlers na nakatira sa paligid ng mga waterways na patungo sa Manila Bay at mismong sa gilid ng dagat.
Tinukoy nito ang mga nakatira sa Pasig Navotas, Malabon at San Juan river na walang maayos na sanitation facilities o mga palikuran kaya derecho ang kanilang human waste sa tubig.
Karamihan aniya sa mga ito nakatira sa mga Baywalk.
Hindi raw nila tuluyang malilinis ang dagat hanggang hindi natatanggap ang mga informal settlers at nairelocate sa ibang lugar.
Pero may mga inilagay na aniya silang mga pansamantalang magagamit ng mga residente para sa kanilang mga human waste para hindi na lumala ang bacteria sa tubig
Meanne Corvera