Justice Ricardo Rosario nanumpa na bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema
Mula sa pagiging security guard isa nang mahistrado ng Korte Suprema si Justice Ricardo Rosario.
Pormal nang nanumpa si Rosario bilang ika-189 na Associate Justice ng Supreme Court matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Chief Justice Diosdado Peralta ang nagpanumpa kay Rosario sa pwesto na ginanap sa En Banc Session Hall ng Korte Suprema.
Pinalitan ni Rosario sa pwesto ang nagretirong si Associate Justice Jose Reyes Jr.
Bago mahirang sa Supreme Court, nagsilbi si Rosario bilang Associate Justice ng Court of Appeals sa loob ng 15 taon at Chairperson ng 9th Division.
Naging messenger din siya ng Employees’ Compensation Commission noong 1976 at pagkatapos ay Security Guard para sa Office of the Government Corporate Counsel noong 1977 hanggang sa ma-promote bilang Clerk.
Sinundan niya ang yapak ng abogado niyang ama kaya kumuha ito ng abogasya sa Ateneo University School of Law mula 1979 hanggang 1983.
Naging Legal Officer din siya ng NBI at Corporate Lawyer ng MWSS.
Pagkatapos nito ay nahirang siyang piskal sa Quezon City Prosecutor’s Office, at kalaunan ay naging Presiding Judge sa Manila Metropolitan Trial Court at Makati City Regional Trial Court.
Moira Encina