LPA sa bahagi ng West Phil. Sea, isa nang bagyo; pinangalanang Nika
Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure area (LPA) sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa Pag-Asa DOST, ang bagyo ay pinangalanang Nika.
Hanggang kaninang alas-3:00 ng madaling-araw, huling namataan ang bagyo sa layong 245 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso ng hangin na aabot sa 70 kilometro kada oras.
Samantala, ang LPA na nasa Silangan ng Mindanao ay huling namataan sa 670 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa susunod na 48 oras ay malaki ang tsansa na mabuo ito bilang isang bagyo.
Habang ang Southwest Monsoon naman o Habagat ang patuloy na nakakaapekto sa halos buong kapuluan ngayong araw.
Partikular na makararanas ng monsoon rains ay ang Central Luzon, Pangasinan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.
May dulot itong panganib sa pagguho ng lupa at mga pagbaha lalu na sa mga landslide at flood prone areas.
Dahil sa bagyong Nika at Habagat, nakataas ang Gale warning sa Batanes, Northern coast of Cagayan kasama ang Babuyan islands; Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan.