Mga Kongresista lumagda sa manifesto para sa Special session ng Kamara
Nagkaisa ang 187 Kongresista para ipanawagan ang pagkakaroon ng sesyon ngayong araw Oktubre 12 ang ideklarang bakante ang posisyon ng House Speaker bilang bakante.
Sa isang manifesto na pinangunahan ng mga lider ng malalaking political party sa Kamara, nakasaad na nagkakaisa silang mga myembro ng 18th Congress na igiit ang kanilang Constitutional responsibility na ipasa ang 2020 proposed National Budget ng walang delay at nakatutugon sa pangangailangan ng bansa lalo nangayong nahaharap tayo sa health at economic crisis.
Nakasaad pa nasa manifesto na dahil sa biglang pagterminate sa deliberasyon sa plenaryo at pagpasa sa 2nd reading ay tinanggalan ng kanilang Legislative duty ang mga miyembro ng Kamara para busisiing mabuti ang plano ng mga Government agency ang alokasyon ng mga pondo nito.
Dahil sa pagsuspinde ng House Leadership ng session hanggang naglabas ng proklamasyon si Pangulong Duterte na nananawagan ng Special Session sa October 13 hanggang 16, 2020 para ipagpatuloy ang Congressional deliberations sa proposed 2021 national budget at maiwasan ang delay sa pagpasa rito.
Dahil sa mga pangyayaring ito, naniniwala ang mga lider ng malalaking politival party sa Kamara na dapat ay magkaroon na sila ng tunay na lider na pag iisahin ang Kamara at committed sa pagsisilbi sa publiko at hindi sa sariling ambisyon.
Nakasaad pa sa manifesto na nais nilang maideklara si Marinduque Rep Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker ng 18th Congress.
Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ay mga lider at kinatawan mula sa PDP Laban, Hugpong ng Pagbabago (HNP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partylist Coalition, Buhay Rep Lito Atienza ng minorya, Northern Luzon Alliance, Visayas Block, Naciolanista Party (NP), Mindanao Representatives at Liberal Party.
Madz Moratillo