Parañaque City, nagtalaga na ng bicycle at motorcycle lanes
Mahigpit na iniutos ni Mayor Edwin Olivarez sa lahat ng City Traffic and Parking Management Office na ipatupad ang ordinance 2020-23 na nagtatakda sa outer lane ng Dr. A. Santos Avenue hanggang Ninoy Aquino Avenue bilang bicycle at motorcycle lane gayundin ang mga guidelines at penalty ng nasabing ordinansa epektibo simula Oktubre 11, 2020.
Nakapaloob sa nasabing ordinansa na ang inner lane na 12-kilometrong kalsada ay para sa mga pribadong sasakyan habang ang center lane ay sa mga delivery truck,van at mahahabang sasakyan.
Ang lahat ng mga nakaharang na mga sasakyan sa nasabing bike at motorcycle lane ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense maging ang rider at siklista na lalabas sa kanilang lane.
Sa pamamagitang ng umiiral na “No Contact Apprehension Policy”, ipapadala ang notice at ticket sa mga lalabag.
Pinakiusapan ni Mayor Olivares ang publiko na ireport ang mga lalabag sa nasabing batas kasabay ng pakiusap sa mga motorista na pagbigyan sa daan ang mga nagbibisikleta.
Rodel Paguntalan/ Betheliza Paguntalan