Anti- red tape emergency powers ng pangulo, inaprubahan na sa Senado
Lusot na sa senado ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong duterte para pabilisin ang pag-iisyu ng permit at mga lisensya ngayong may nararanasang covid- 19 pandemic.
Unanimous o dalawamput tatlong senado ang bomoto pabor sa Senate Bill No. 1844.
Inaprubahan ang panukala ilang oras matapos magpadala ng certification ang malacañang na nagse-certify na urgent sa panukalang batas.
Sa panukalang batas, maaring ipag-utos ng Pangulo ang pagsuspinde sa mga hinihinging requirements para sa national at local permit, lisensya at iba certifications.
Sakop ng panukala ang lahat ng departamento ng gobyerno, mga komisyon, board, council at lahat ng mga government owned and controlled corporations.
Meanne Corvera