Paglobo ng budget ng DPWH sa mga Local Infrastructure Projects, inusisa ni Senator Lacson
Kinukwestyon ni Senator Ping Lacson ang paglobo ng pondo ng department of public works and Highways o DPWH para sa mga local infrastructure projects.
Sa pagdinig sa panukalang budget ng dpwh na aabot sa P 666.47-billion,ay tinukoy ni lacson ang 176 billion pesos na inilaan para sa rehabilitasyon ng mga kalsada at mga multi purpose building.
Ang nakapagtataka ayon sa senador, dinagdagan pa ito ng halos 53 billion pesos , kaya lomobo na ang budget para dito sa 229 billion pesos.
Kwestyon ni lacson, may nangyari raw bang interjection ang mga mambabatas dahil taliwas ito sa nakasaad sa national expenditure program na isinumite ng malacañang.
Paano raw ito makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya na ang Tema ay reset, rebound at recover
Sa datos na nakuha ng senador, bumaba ng 21 billion pesos ang pondo sa network development, nabawasan ng 477 million pesos ang general administration and support habang 9. 8 billion pesos ang nabawas sa asset preservation .
Bukod rito bumaba ng 4. 5 billionpesos ang pondo para sa flood management program.
Habang pinalaki aniya ang pondo para sa local projects, binawasan naman ng 11 billion pesos ang budget para sa national road at national bridges .
Dahil dito, tinamaan aniya ang iba pang proyekto kabilang na ang Department of Tourism na binawasan ng 8. 4 billion pesos na pondo para sa pagpapagawa ng mga kalsada na patungo sa mga tourists destination.
Mahalaga anya ang pondo dahil ang tourism industry ang pangunahing apektado ng pandemya.
Depensa naman ni DPWH Secretary Mark Villar, nagkaroon ng pagbabago dahil naghabol sila ng adjustments dahil atrasado rin silang naabisuhan ng ceiling .
Prayoridad naman aniya ng gobyerno ang mga national projects pero kailangan ring tulungan ang mga nasa kanayunan para mapasigla ang ekonomiya.
Ang mga multi purpose building ay ni request aniya ng lgus para magkaroon sila ng quarantine facilities .
Meanne Corvera