Stage 3 project sa skyway magagamit na ng mga motorista
Bago matapos ang taon, Maari nang gamitin ng mga motorista ang stage 3 ng metro manila skyway na inaasahang magpapabilis sa biyahe sa South Luzon expressway.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na nakumpleto na ang proyekto at nilalagyan na lamang ito ng mga aspalto.
Ang stage 3 ng skyway ang nag -uugnay sa North at South Luzon expressway kaya inaasahan aabot na lang ng dalawampung minuto ang byahe mula sa slex patungo ng NLEX.
Posibleng sa Disyembre aniya ang pinakamaagang pagbubukas sa naturang skyway.
Nauna nang inanunsyo ng San Miguel Corporation na natapos na ang konstruksiyon ng 17.93-kilometer Skyway Stage 3 project na mas maagang natapos bago ang kanilang target schedule na katapusan ng oktubre.
Ayon sa kaihim, dahil sa skyway, inaasahan ang byahe mula Magallanes hanggang Balintawak ay magiging labinlimang minuto na lamang.
Habang Kinse minuto rin ang inaasahang biyahe mula sa balintawak hanggang sa ninoy aquino international Airport.
Sinabi pa ng kalihim, malaking tulong ang naturang Skyway project para mabawasan ang mga sasakyang dumadaan sa EDSA at mapaluwag ang daloy ng trapiko.
Meanne Corvera