Kaso ng Covid-19 sa QC, patuloy na bumababa -UP Octa Research team
Patuloy na bumababa ang bilang ng bagong kaso ng Covid-19 sa Quezon City sa nakalipasn na apat na linggo.
Ayon sa UP- OCTA Research, ito ay batay sa October 12 na datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Sabi ng Octa Research Team, ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay nasa 0.71.
Mas mababa ito kumpara sa bilang ng National Capital Region na 0.75, at ng buong bansa na 0.87.
Ipinapakita ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus.
Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.
Habang umabot na sa 4,000 ang testing capacity ng Quezon City kada araw, bumaba pa sa 9% ang positivity rate ng lungsod batay sa datos.
Pinapakita nito ang bilang ng mga nagpopositibo mula sa testing. Ang case doubling time ng lungsod ay 92 na araw.
Ipinapakita nito ang bilis ng pagdoble ng kaso sa isang lugar.
Ang mas mababang case doubling time ay nangangahulugang mas mabilis ang pagdami ng kaso.
Belle Surara