Paggamit ng Coco net sa Construction, inirekomenda para magkaroon ng kita ang mga magsasaka
Hinimok ni Senador Francis Pangilinan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gumamit ng mga Coco net sa konstruksyon ng mga kalsada at iba pang Public works projects.
Ito’y para mabigyan ng dagdag na kita ang mga magsasaka at makatulong sa paglago ng ekonomiya.
Kung gagamit kasi aniya ang dpwh ng mga coco net mula sa mga magsasaka, maaring magkaroon sila ng dagdag na 500 piso hanggang 1,000 piso kada linggo.
Ipinaalala ng Senador na may kasunduan na ang DPWH sa National Irrigation Administration (NIA) at Philippine Coconut Authority (PCA) para sa paggamit ng naturang coconut products sa paggawa ng mga Irrigation system at mga slope protection.
Bukod sa dagdag na kita sa mga magsasaka, mas makakatipid pa aniya ang gobyerno.
Katunayan ang mga proyekto ng ginamitan ng Coco net ay bumaba sa 2. 7 billion mula sa orihinal na budget na 10. 6 billion pesos.
Meanne Corvera