Dept. of Agriculture, sinimulan na ang pamamahagi ng libreng inbred seeds delivery at distribution sa mga bayan at lungsod sa bansa
Nagsimula na nga ng pamamahagi at pagdi distribute ng binhi ng palay ang Department of Agriculture sa mga lokal na pamahalaan sa ibat-ibang mga lalawigan.
Narito ang mga bayan at lungsod na may schedule ng RCEF seed delivery at distribution mula October 12 hanggang 17:
Ilocos Sur, Pangasinan,Nueva Ecija, Bataan, Zambales, Pampanga, Tarlac, Aurora, Southern Leyte, Oriental Mindoro, Caviye, Leyte, Quezon, Laguna, Iloilo, Antique, Davao del Sur, North Cotabato, South Cotabato at Zamboanga del Sur.
Paalala ng DA, ihanda ang mga requirements gaya ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture stub at valid ID, at sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, pagkakaroon ng physical distancing, at palagiang paggamit ng alcohol o hand sanitizer sa araw ng seed distribution.
Sabi pa ng DA, ang final schedule ng pamamahagi ng llibreng inbred seeds sa bawat lugar ay nakadepende sa inyong Municipal/City Agriculture office.
Ang RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund ay ipinapatupad sa ilalim ng Rice Trade Liberalization Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong February 14, 2019.
Belle Surara