Chinese Pharmaceutical Company na Sinopharm hindi na magsasagawa ng clinical trial
Hindi na magsasagawa ng clinical trial sa Pilipinas ang Chinese Pharmaceutical Company na Sinopharm.
Ito ang kinumpirma ni DOST Sec. Fortunato dela Peña sa ginawang virtual press conference ng DOH.
Wala namang tinukoy na dahilan si Dela Peña sa dahilan ng pagbabago ng isip ng Sinopharm hinggil sa pagsasagawa ng clinical trial sa bansa.
Pero nananatili parin naman umanong interesado ang kumpanya sa pagsusuplay ng bakuna sa bansa.
Ang Sinopharm ay nasa phase 3 na ng clinical trial sa kanilang idinevelop na bakuna para sa covid-19.
Ayon kay dela Peña, may 17 biotech at pharmaceutical company mula sa 7 bansa ang kausap ng Pilipinas para sa covid 19 vaccine.
Sa 17 na ito, may 6 na ang pumirma ng kanilang Confidentiality Disclosure Agreement o CDA na kasama sa mga proseso bago sila makapagsagawa ng clinical trial sa bansa.
Ang mga ito ay mula sa China, Russia, Australia, at Taiwan.
Madz Moratillo