P4.5-T 2021 Budget, lusot na sa 3rd at final reading ng Kamara
Lusot sa 3rd and final reading ng Kamara ang panukalang 4.506 Trillion pesos na 2021 National Budget.
Naaprubahan ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Bill (GAB) matapos bumoto ng YES ang 267 na mambabatas habang anim ( 6 ) naman ang bumoto ng NO at walang nag-abstain.
Pinakamalaking bahagi ng 2021 budget ay mapupunta sa Personnel Services na nasa 29.2% kung saan dito kukunin ang alokasyon para sa pagkuha ng karagdagang healthcare workers, second tranche ng Salary Standardization Law at dagdag na pensiyon para sa mga retired uniformed at military personnel.
Nakapaloob din sa National budget ang mga stimulus para sa muling pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 at sa bakuna laban sa impeksyon.
Nakakuha ng pinakamataas na pondo mula sa government agencies ang Department of Education ( DepEd ) kasama ang State Universities and Colleges ( SUCs ), Commission on Higher Education ( CHED )at ang Technical Education and Skills Development Authority ( TESDA ) na may P754 billion.
Kabilang pa sa top 10 Agencies na nakakuha ng malaking alokasyon ay ang mga sumusunod:
- Department of Interior and Local Government ( DILG ) – P246.1 billion
- Department of National Defense ( DND ) – P209.1 billion
- Department of Health ( DOH ) – P203.1 billion kasama na rito ang budget para sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH)
- Department of Social Welfare and Development ( DSWD ) – P171.2 billion
- Department of Transportation ( DOTr ) – P143.6 billion
- Department of Agriculture o DA ( P66.4 billion)
- Judiciary – P43.5 billion
- Department of Labor and Employment ( DOLE ) – P27.5 billion.