Bilang ng nasawi sa Europe dahil sa Covid-19, lampas na sa 250,000
Lumampas na sa 250,000 ang bilang ng mga nasawi sa Europe dahil sa Covid-19.
Bunsod nito ay dinagdagan pa ng mga bansa sa Europa ang mga paghihigpit para tugunan ang pagtaas ng kaso ng impeksyon, kung saan kada linggo ay nadaragdagan ito ng 44 porsyento.
Nitong nakalipas na weekend ay nagpagtupad ng nighttime curfews sa France, habang sa Switzerland naman ay obligado ang lahat ng mga mamamayan na magsuot ng facemask sa indoor public places.
Ang pagtaas sa bilang ng kaso sa Europa ay umabot na sa naka-aalarmang lebel.
Samantala, inalis na ng Israel ang travel ban at muling binuksan ang kindergartens, national parkas at beaches.
Sa Melbourne, Australia naman ay nagawa na ring makontrol ang pagtaas sa bilang ng mga kaso, kayat pinayagan na ng mga opisyal ang limang milyong mamamayan ng syudad na lumabas ng kanilang tahanan, makalipas ang tatlong buwan.
Gayunman, namamalagi pa ring sarado ang ilang mga negosyo at mga restaurant sa Melbourne.
© Agence France-Presse