Katutubong craft, artwork products, ibinida ng artists group sa Agri-tourism activities ( Adivay ) sa Baguio City; Mga mamimili, dumagsa
Ibinida ng grupo ng mga artist ang iba’t-ibang produkto na gawang Pinoy at Katutubo sa isang kilalang Mall sa Lungsod ng Baguio sa pagdiriwang ng Adivay o Agri-tourism activities.
Sa naturang aktibidad, muling nadiskubre ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan ng Benguet na kinabibilangan ng Munisipalidad tulad ng La trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Lungsod ng Baguio.
Ayon kay Helena Butigan, Junior artist sa isang kilalang pamantasan sa lungsod, ang aktibidad ay isang magandang oportunidad para maipakita ng mga kabataan ang kanilang katutubo at angking kaalaman sa larangan ng pagguhit, pagpinta, paggawa ng mga produktong napapanahon at kapaki-pakinabang sa gitna ng pandemya kung saan maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay maging sa Cordillera Region.
Ayon pa kay Butigan, ang mga ganitong aktibidad ay hindi lamang para makilala ang mga natatanging gawa kundi mai-promote din ang angking talento ng mga taga Benguet partikular sa Baguio City, ang kanilang Craftsmanship, Culture & Arts, Trade and Industry ng lalawigan.
Dagdag pa ng Junior artist, isang hakbang din ito para lalo pang mapatatag ang Tourism Industry, mapalago ang business employment opportunities kung saan maraming tao ang natutulungan para sumiglang muli ang trabaho o kabuhayan na matagal ding nabakante dahil sa pandemic crisis.
Nagpahayag naman ng suporta ang ilang sektor , grupo at indibiduwal sa naturang aktibidad na ayon sa kanila ay malaking tulong at inspirasyon sa nakararami upang lalong magsikap at maging masipag ngayong panahon ng new normal.
Freddie Rulloda