Pangasinan, nakapagtala ng panibagong mga kaso ng COVID-19
Labingsiyam na panibagong mga kaso ng COVID- 19 ang naitala ngayong araw sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa Pangasinan Provincial Health Office ( PHO ), ang mga naidagdag na bagong COVID cases ay mula sa Alaminos City (1), Dagupan City (1), Urdaneta City (1), Anda (1), Bolinao(1), Lingayen (2), Malasiqui (5) at Sta. Barbara (7).
Dahil dito, umakyat na sa 1,440 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawiagn at 309 sa nasabing bilang ay mula sa Dagupan City.
Nasa ilalim ngayon ng PHO watchlist ang Dagupan City, Sta. Barbara, Malasiqui, Lingayen, Mangaldan, Calasiao, Alaminos City, Bolinao, Balungao, Rosales, Manaoag, Anda, Alcala, Sual, San Fabian at Binmaley na mayroong mataas na kaso ng COVID.
Ang lalawigan ng Pangasinan ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine ( MGCQ ) at mahigpit na pinatutupad dito ang IATF guidelines na minimum health protocols maging sa border control points na binabantayan ng Pangasinan PNP.