Covid cases sa bansa umakyat na sa mahigit 359,000
Umakyat na sa 359,169 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 42,191 ang aktibong kaso.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 2,638 bagong kaso ng virus infection.
Nanguna naman sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng Covid-19 ang Quezon City na may 141 new cases, Cavite na may 140 new cases, Laguna na may 128 new cases, Batangas na may 120 new cases at Rizal na may 108 new cases.
May naitala namang 226 na bagong gumaling mula sa Covid-19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 310,303 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 26 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 15 rito ay nasawi noong Oktubre, 2 noong Setyembre, 5 noong Agosto, at 4 noong Hulyo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,675 ang nasawi sa bansa dahil sa Covid-19.
May 87 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo