SJDM, nakapagtala ng 10 karagdagang gumaling mula sa Covid-19.
Nakapagtala ng karagdagang sampung covid-19 recoveries ang lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon sa Public information Office ng SJDM, ang mga gumaling ay mula sa Barangay Sto. Cristo, Kaypian, San Manuel, F. Homes-Narra, F. Homes-Guijo, Citrus at Barangay Minuyan IV.
Sa kabuuan ay 1,249 na o 87% ang recoveries sa lungsod, kung saan 971 dito ay mula sa District 1 at 278 naman mula sa District 2.
Tatlong panibagong kaso naman ang naragdag mula sa Barangay Fatima IV, Kaypian at Barangay Fatima V, kaya umabot na sa 1,430 ang kabuuang bilang ng mga confirmed cases sa lungsod, kung saan 1,113 ay mula sa district 1 at 317 naman ay mula sa District 2.
Sa kasalukuyan ay 114 o 8% na lamang ang active cases sa lungsod. Ang 90 ay mula sa District 1 at 24 naman sa District 2, habang 67 o 5% naman ang naitalang nasawi, na ang 52 ay mula sa District 1 at 15 mula sa District 2.
Shane Majestrado