Football legend Pele, masaya dahil malusog pa rin ang kaniyang pag-iisip kahit sasapit na sa edad 80
Ilang araw na lamang bago sya mag-otsenta anyos, sinabi ng Brazilian football legend na si Pele na masaya siya dahil maayos pa rin ang kaniyang mental health.
Sa isang maikling video na ipinalabas bago ang kaniyang 80th birthday sa Biyernes, pabirong sinabi ni Pele na “I thank God for giving me the health to make it this far lucid. Not very intelligent, but lucid.”
Ikinukonsidera ng marami bilang “greatest footballer of all time,” si Pele ay nakipaglaban din sa hindi magandang lagay ng kaniyang pisikal na kalusugan sa nagdaang mga taon, kung saan naglabas-masok ito ng ospital dahil sa ibat ibang isyung pangkalusugan.
Nitong nakalipas na taon, ang three-time World Cup champion (1958, 1962 at 1970), ay nagtungo sa Paris para sa isang promotional appearance kasama ng French star Kylian na si Mbappe, subalit na-ospital pagkatapos dahil sa problema sa kaniyang bato.
Noong 2014, dinala siya sa intensive care para sa dialysis matapos magkaroon ng isang malubhang urinary infection.
Ang football legend na ang tunay na pangalan ay Edson Arantes do Nascimento, ay isa na lamang ang bato, dahil napilitan ang mga doktor na alisin ang isa pa matapos mabasag ang isa niyang tadyang habang ginaganap ang isang football match.
© Agence France-Presse