Dalawang container van ng hinihinalang waste materials, nasabat sa Subic
Dalawang container van ng mga hinihinalang waste materials ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Port of Subic.
Ayon sa BOC, ang nasabing kargamento ay idineklara bilang American Old Corrugated Cartons na gagamitin para sa Repulping at mula sa Estados Unidos.
Naka-consign ang shipment sa Bataan 2020 Inc.
Pero matapos ang ginawang eksaminasyon sa kargamento nakita na mga waste materials at iba pang basura ang laman nito.
Patuloy naman ang ginagawang imbentaryo ng BOC sa nasabing shipment upang matukoy ang iba pang laman nito.
Nagsasagawa narin ng imbestigasyon ang BOC sa mga kasong maaaring kaharapin ng mga nasa likod ng iligal na importasyon na ito gaya ng paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tarrif Act at iba pang may kinalaman sa Environmental Laws.
Madz Moratillo