Proyektong E-library, ilulunsad ng SK officials ng Brgy. Poblacion 5, GMA, Cavite

Ilulunsad ng mga opisyal ng SK sa brgy. Poblacion 5 sa GMA Cavite, ang kanilang proyektong E-Library para sa mga estudyante sa kanilang baranggay.


Ito ay bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng kabataang mag aaral na nasa ilalim ng blended learning approach ng DepEd. 


Ang E-LIBRARY ay mayroong 13 sets ng computer na maaring gamitin ng nga mag-aaral, mayroon itong internet access para sa research at libre din ang printing.


Ang anim na computer set ay inilagay nila sa 2nd Floor ng RHU building sa Poblacion 5 Proper, habang ang 7 iba pa ay nasa 2nd Floor naman RHU building sa FVR covered court.


Umaasa ang mga SK official sa kanilang baranggay na malaki ang maitutulong ng kanilang proyekto sa mga kabataang nag-sispag-aral lalo na sa kabataang mag aaral na walang sariling gadgets.


Samantala,y maglalabas naman ng mga rules and regulation ang mga SK official sa E-LIBRARY para mapanatili namang ligtas sa sakit na COVID-19 ang mga gagamit nito.

Ulat ni Jet Hilario

photo credit to: SK Poblacion 5
Please follow and like us: