Rice Derby at Field Day Farmers’ forum, pinakinabangan ng mga magsasaka
Karagdagang kaalaman sa ibat-ibang teknolohiya sa pagtatanim ang natutunan ng mga magsasaka na dumalo sa isinagawang Hybrid Rice Derby Field Day and Farmers’ Forum.
Ayon kay DA- Regional Field Office III Regional Director Crispulo Bautista, Jr., nilayon ng aktibidad na mai- promote sa mga Rice farmers ang ibat-ibang Cultural Management practices at ang kahalagahan ng paggamit ng Hybrid rice seeds upang matamo ang mas mataas na production volume bilang bahagi ng Rice Resiliency project ng Plant, Plant, Plant program ng DA.
Anya, isa rin ito sa pagtugon sa Modern Technologies gaya ng Hybrid Technologies na ipinakita sa mga magsasaka upang sila ay mabigyan ng magandang ani at kita, lalo na sa panahon ng Wet Cropping season.
Bukod dito, sinabi pa ni Bautista na isang itong model upang ipakita sa mga Rice farmers na ang Hybrid seed variety ay adaptable na sa kinabibilangan nilang environment.
Samantala, batay naman sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang lalawigan ng Nueva Ecija ay nakapagtala ng kabuuang 770,830 metric tons ng palay production sa ikalawang quarter ng 2020.
Belle Surara