Panukalang P4.5 Trillion 2021 National Budget, natanggap na ng Senado
Natanggap na ng senado ang hard copy ng panukalang P4.5 trillion 2021 National Budget.
Ayon sa tanggapan ni Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee, ang kopya ng General Appropriations Bill ay itinurn over sa bills and index ng Senado.
Sa November 9 pa ang inaasahang pagbabalik ng sesyon at ayon sa senador, maaring sa November 10 pa ito matalakay sa plenaryo dahil ire refer pa ito sa Finance committee.
Sa ngayon may pagkakataon aniya ang mga senador na mabusisi ito dahil may nalalabi pa silang isang linggo para himayin ang detalye ng budget.
Pinuri naman ni Senate President Vicente Sotto ang liderato ni Speaker Lord Allan Velasco sa maagang transmission ng budget.
Mas maaga pa ito ng isang araw kumpara sa kanilang request na October 28.
Nangangahulugan aniya ito na makakatugon sila sa pangako sa pangulo na pagtitibayin ang pondo bago ang kanilang break sa disyembre.
Meanne Corvera