Bagyong tatawaging Rolly at LPA, inaasahang papasok sa bansa ngayong araw
Patuloy na binabantayan ng Pag-Asa DOST ang Tropical storm na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na Goni.
Papangalanan itong Rolly sa sandaling pumasok sa bansa ngayong Huwebes.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,705 kilometers Silangan ng Central Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugso ng hanging aabot sa 80 kilometers kada oras.
Posibleng sa Linggo, November 1 ay tumama ang bagyo sa kalupaan ng Bicol region kaya pinaghahanda ang lokal na pamahalaan sa magiging epekto ng bagyo.
Maliban sa bagyo, minomonitor din ng Pag-Asa ang isang Low Pressure area sa labas din ng bansa na namataan sa 2,550 kilometers Silangan ng Mindanao.
Inaaasahang papasok din ito sa PAR anumang oras ngayong araw.
Ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin ang Northern Luzon na may kalat-kalat na pag-ulan sanhi ng Northeastern windflow.
Fair weather naman ang aasahan ngayong araw sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Maaliwalas din na panahon ang mararanasan sa Visayas region.
Habang makulimlim na panahon naman ang iiral sa Caraga at Davao region na may kalat-kalat na pag-ulan dala ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).